Sabotahe

Posted: December 8, 2011 in Uncategorized

Madaming mga Kapampangan ang nagtatanong kung talagang magiging isang lungsod na ang bayan ng Mabalacat.
Kamakailan ay inaprubahan na ng senado ang panukalang batas sa pangunguna ni Senador Bongbong Marcos. Malaki ang naitulong ni Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin sa pagsusulong ng Mabalacat cityhood bill. Good as approved na ito ika nga ng marami.

Walang duda na ito’y matutuloy dahil talagang dapat ng maging lungsod ito kumpara sa 16 na mga bayan na hindi naman kwalipikadong maging lungsod ay inaprubahang maging lungsod ng “flip-flopping” Supreme Court.
Dahil dito ay lalaki ang pondo ng Mabalacat dahil mabibigyan na ito ng Internal Revenue Allotment (IRA) galing sa pamahalaang nasyunal. Maraming mga programa at proyeto ang maisasagawa ng lokal na pamahalaan, ibig sabihin maraming mga Mabalakenyos ang makikinabang at magkaka-trabaho; posible rin na bumilis ang mga serbisyong pangkalusugan, pangedukasyon, pangpalakasan o sports, sa sektor ng pagnenegosyo, at marami pang iba.

Yan ay kung tunay na ipatutupad ang lahat ng mga programa ng may kahusayan at katapatan ng kasalukuyang alkalde ng Mabalacat na ilang taon ng nanunungkulan. Kung hindi naman, ito ay maituturing na mas malala pa sa electoral sabotage na inihain laban kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Isa itong sabotahe sa mga mamamayan, isang huwad na paglilingkod na ginagamitan lamang ng pakunwaring kabaitan upang makapangulimbat ng hindi nahahalata.

Comments
  1. Ms.sheng says:

    pwede naman maging negatibo kung sasarilinin mo lang at wala kang naiimpluwensiyahan na tao . Pero kung ganitong klasing kapaitan na pananaw sa buhay ay ilalahad nang isang editor in chief sa isang marangal na pahayagan, marahil ay hindi dapat mabigyan ng kapangyarihan nang tinta na nararapat lamang sa responsabling mamamahayag. Kapaitan ang nasa isip mo kaya mapait ang makakamit mo sa buhay. wag ka nang mandamay sa kalungkutan at kabiguan. matanong ko lang po kayo?ano na po ba ang kabutihan ang nagawa ninyo para sa mamamayang kinakausap ninyo?

    • Joey Aguilar says:

      Isa kang duwag. Bakit hindi mo ilahad ang tunay mong pangalan at larawan para sagutin ko ng punto por punto ang mga sinasabi mong kasinungalingan? Siguro isa ka sa mga natamaan sa mga batikos ko. Nakakahiya ka naman. Hanggang kelan ka magtatago sa iyong karuwagan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s