Mapapansin din na habang lumalago ang teknolohiya at kaalaman, papahirap ng papahirap naman ang buhay lalo na dito sa Pilipinas. Tumataas ang presyo ng halos lahat ng mga bilihin lalo na kapag tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa lalo na ang mga tinatawag na minimum wage earners. Dahil sa hindi na kayang bumuhay ng pamilya (lalo na kapag may mga anak na) ang sweldong P350-P380 kada araw, makikita na madami ang mga nagiging patutot (prostitute) hindi lamang sa dalawang lungsod sa Pampanga kundi maging sa ibang mga bayan na malapit sa Clark Freeport Zone.

Maging sa mga resettlement areas sa Angeles City ay dumadami narin ang mga nagbebenta ng laman.
Nagtrabaho ako dati sa isang AIDS prevention project na pinondohan ng USAid noong 1999-2001. Sa aking pagmamasid, halos walang mga Kapampangang nagtatrabaho sa mga bars sa Fields Avenue at sa kahabaan ng Friendship Hi-way sa lungsod ng Angeles sa mga panahong iyon. Puro sila mga taga-Bisaya at mga taga-Mindanao.

Ngunit kamakailan ay nagkaroon ako ng pagkakataong ma-interview ang dalawang entertainers na parehong Kapampangan. Anila, ang halos mga guest relations officers sa mga laser karaoke, o maging sa mga maliliit na mga videoke sa Lungsod ng Angeles ay halos mga Kapampangan na.

Sa mga bars naman sa Fields Avenue ay sinabi nila na tatlo hanggang apat sa sampung mga entertainers ay mga Kapampangan. Kahirapan sa buhay parin ang dahilan kung bakit pinili nilang magtrabaho sa mga karaoke bilang mga GROs. Malaki kasi ang kita dito.

Sa paglago ng teknolohiya, nakakapagtaka na lalo din dumami ang mga malulubhang mga karamdaman. Ang mga walang lunas na sakit kagaya ng diabetes, cancer at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na bagama’t milyon-milyon ang halagang ginugugol sa mga pag-aaral at pagsusuri ay wala pa rin naiimbentong gamot para sa mga ito.

Nakakatakot din isipin na malaking porsyento ng pagkamatay ng isang tao ayon sa World Health Organization ay ang tinatawag na “overprescription of medicines”. Nireresetahan tayo ng ibang mga duktor ng ibat ibang mga malalakas na gamot na hindi naman sinasabi sa atin ang mga side effects ng mga ito. Kung hindi nakakasira ng atay, ay nakakasira naman ng bato o ng ibang mga internal organs natin.

Madalas, sa pagpagpapa-check up sa mga ospital ay ang unang itatanong: “May medicard po ba kayo?” Kung wala ang iyong sagot, konting interview, konting tutok sa stethoscope, pagkatapos ay reseta na agad. Ang sakit na iyong nararamdaman ay pansamantalang huhupa nga naman, pero ang totoong karamdaman ay nananatili parin at posibleng lumala pa.

Kung uugatin pa natin, ang mga sakit na nakukuha ng tao ay dahil din sa paglago ng teknolohiya. Ang mga de-lata na puno ng preservatives, mga processed na pagkain at mga inumin na gawa sa refined sugar ang lumalason sa ating katawan.

qqq

Sa araw araw nating pagparoot-parito ay nakakalanghap tayo ng usok ng sasakyan (carbon monoxide) na nakapagpapahina ng ating immune system. Hindi natin pansin na may masamang epekto rin ang paglalagay ng mga pabango sa ating balat, ito ay nakapagpapahina din ng immune system. Pinapayuhan na ilagay o iispray nalang ang pabango sa damit bago ito isuot.

qqq

Maliban sa mga pagkaing nakakasama sa katawan, ang isa pang malalang bagay na naimbento ay ang pagpapasabog ng mga bomba gamit ang cellphone. Bagay na nakakabahala lalo na kung nakasakay ka ng bus papunta o palabas ng Maynila.

Sadyang nabubuhay na tayo sa panahong mapanganib. Hindi na natin alam kung hanggang anong edad pa tayo aabot. Pero ang lahat ng mga masamang epekto ng makabagong teknolohiya ay dahil sa kagagawan ng mga taong ganid sa salapi at kapangyarihan.

Totoo ang sabi ng biblia:
“Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.” (2 Timoteo 3:1-5)

Bagama’t may katagalan na iyon, nagkaroon kami ng pagkakataon ng ibang mga mamamahayag na mula pa sa ibat ibang panig ng Luzon na pagkwentuhan ang teknolohiya at mga sinaunang mga kagamitan na ginamit ng ating mga magulang.

 

Unang napagdiskitahan namin ay ang mga cassette tapes na madalas na ginagamit at ipinapadala ng mga nasa abroad (lalo na yung nasa Saudi) sa kani-kaniyang mga pamilya sa Pilipinas. 

 

Sikat ito sa tawag na “voice tape”. Halos “buong barangay’” ay nakikinig habang ito ay pine-play at halos maluha-luha ang lahat kapag nagkukwento na ang nagsasalita tungkol sa nararanasang kalungkutan at pangungulila sa ibang bansa. 

 

Dahil wala pang internet noon, isang malaking bagay na ikatutuwa din ng pamilya ang pagtanggap ng liham mula sa mga kamag-anak sa ibayong dagat.

 

Naisip ko tuloy na kahit noon pa man ay malaking sakripisyo at paghihirap na ang nararanasan ng mga overseas Filipino workers. 

 

Subalit napalitan ito ng kagalakan sa pagkakadiskubre ng internet dahil ang iyong kapatid, magulang o asawa ay parang nasa kabilang bahay lang kapag kausap sa Skype, Yahoo Messenger o Facebook. 

 

Napagdiskitahan din namin ang mga lumang telebisyon na wala pang remote control, kailangang lapitan upang maglipat ng channel. Hindi pa ito colored at agad na umiinit. 

 

“Anak ko, papagpahingahin mo muna ang TV at papanoorin ko pa si Nora Aunor mamaya. Dalawang oras kanang nanonood baga sumabog yan at wala tayong pambili ng bago. Magtipid ka sa kuryente!” ang bilin lagi ng aking ina noon na isang solid na Noranyan.  

 

Ganun din ang mga betamax at VHS tapes na madalas nating hinihiram. Kailangang i-rewind sa hugis kotse na rewinder na napakaingay. 

 

Nakakatuwang isipin din na halos wala ng gumagamit ng makinilya sa mga opisina ngayon. Kakaunti narin ang gumagamit ng telepono o landine sa bahay. 

 

Madalang narin ang gumagamit ng antenna na itinatayo gamit ang kawayan na madalas nating iniikot-ikot kapag hindi malinaw ang ating pinapanood. 

 

Sa aming pagbabalik tanaw, masasabi naming sadyang napaka-simple ng buhay noon.

 

Ngunit sa paglipas ng panahon ay malaki ang naging pagbabago. Nagkaroon na ng cellphone, mga tablets at computer, internet, cable TV, mga sasakyan na may Global Positioning System (GPS) at iba pang makabagong kagamitan. 

 

Bagamat madaming mga pagbabago sa teknolohiya na ating pinakikinabangan ngayon, madami din ang naging masamang epekto nito. Malaki din ang nabago nito sa pag-uugaling Pilipino.

 

Nakakapagtaka na kung kelan nakikita at nakakausap na ng isang tao na nasa ibayong dagat ang kanyang asawa at mga anak sa telepono o sa kanyang computer ay lalong dumami ang mga nasirang mga pamilya dahil sa paghihiwalay ng mag-asawa. 

 

Sa katunayan, hindi man nagbigay ng eksaktong statistika ang kakilala kong abogado, sinabi niya na dumami at dumadami pa ang mga annulment cases sa Pilipinas ngayon.

 

Ang dahilan, madami ang naglalampungan sa Facebook, sa iba pang mga social networking sites, at sa text na nauuwi sa hiwalayan ng mag-asawa. 

 

Hindi ko din inaasahan na pati na halos ang matalik kong mga kaibigan at kakilala na nasa ibang bansa ay nagtatanong narin at humihingi sa akin ng payo ukol sa proseso ng annulment – kung ano ang dapat gawin at kung magkano ang gagastusin. Pinalad kasi akong ma-annul nang nakaraang taon.

 

Maliban dito, nakakalungkot isipin na sa paglago ng teknolohiya ay madaming mga bata ang mahihina ang katawan. Ito ay dahil sa labis na paggamit ng computer o pagkababad sa internet. 

 

Hindi katulad ng ibang mga bata noon na regular na pinapawisan dahil ang naging libangan nila ay ang paglalaro ng mga katutubong laro kagaya ng tumbang preso, takbuhan, patintero, Chinese garter, piko, sipa at iba pang mga palakasan kagaya ng basketball at volleyball.  

 

Tila mas maalam din ang mga kabataan noon dahil ang pagbabasa ng libro ay isa sa kanilang mga libangan.

 

Dapat sana ay nakatutulong ng malaki ang paglago ng teknolohiya sa bawat Pilipino. Subalit baligtad ang nangyayari.

 

(may kasunod)

Starring Dong vs. GMA

Posted: February 29, 2012 in Uncategorized

Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. filed a resolution appealing to film and TV producers to “stop typecasting congressmen and congresswomen as villains or crooks in movies and telenovelas,” reported the Inquirer story on the front page on Tuesday (Feb. 21).

Gonzales proposed House Resolution No. 2140 urging producers “not to create stereotypes or negative public perception against members of the House of Representatives.”

It also added that Gonzales, a member of the Nationalist People’s Coalition who left the minority bloc to join the majority group, said congressmen could only make an appeal because “this issue is covered by the constitutionally guaranteed freedom of speech and of expression.”

Precisely. So why legislate when he can make an appeal?

In fact, Cong. Dong’s colleagues in the House had instantly killed his proposed resolution using his own basis.

“It would also violate the Constitution as it would constitute prior restraint,” stressed Ako Bikol Rep. Rodel Batocabe.

Another congressman, Navotas City Rep. Tobias Tiangco said lawmakers should not be onion-skinned as to be affected by such trifle matters.

“No matter how they portray you, whether you are the President or a driver, you should not be affected as long as your conscience is clear.” For Akbayan Rep. Walden Bello, the resolution is simply “a fundamental violation of artistic freedom.”

Dong’s resolution has only given TV producers more reasons to continue typecasting congressmen and congresswomen not only as crooks or villains but also as “dumb and dumber” in movies and in telenovelas.

Why does it bother him anyway? Is it an admission of guilt? Or is that how he tries to change the image of a tainted institution? Or is he afraid to be tagged as one of the villains in Gotham City?

So how are you going to portray congressmen in movies and in telenovelas? Like Leon Guerrero or Panday? Like Nardong Putik or Judge Asuncion? Like Mulawin or Darna? Or, he probably wants to portray congressmen as Manny Pacquiao?

Then Cong Dong is not saving the whole local movie industry from falling down but depriving it of artistic ingenuity, giving Filipinos more reasons to watch foreign movies.

That is why movie makers and TV producers keep on typecasting some congressmen as traitors, double crossers and corrupt officials who benefitted, profited, looted and amassed millions of pesos from the government.

It is not creating negative public perception against politicians but giving the audience a bigger picture close to reality. At any rate, moviegoers should be given the kind of entertainment they deserve.

But if such movie the way Cong Dong wants it to be will be shown in theaters, I’ll be in a hurry to line up and buy a bucket of popcorn, a bottled water or soda and a ticket to watch it – well, starring Cong. Dong vs. GMA? It’ll be a sure “box office hit”.

qqq

LOCAL SPORTS. The Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) 2012 kicked off last Sunday with 18 provinces, cities and municipalities joining the prestigious sports competition in the region.

Defending champion and powerhouse Bulacan province remains to be the delegation to beat in the overall ranking having a complete team line up. Meanwhile, Angeles City will try its best to win a slot in the top 3 this year.

2012-2013 wish list

Posted: January 9, 2012 in Uncategorized

Some would disagree, but I know many will agree. My 2012 wish list:

1. Justice for the victims of the Maguindanao massacre.

2. To see Primadona, one of the most corrupt city hall employees, out of city hall.

3. Electoral Sabotage raps filed vs. Blueboy, city treasurer, et. al.

4. Corona ousted as Supreme Court chief justice.

5. A new chief of police in Angeles City.

6. Mabalacat City but free from corruption.

7. No business permit for all Globe Telecom centers for its poor service.

8. Clark Development Corp. to start building the proposed world-class sports complex and other sports facilities in Clark.

9. A strictly implemented ordinance in Angeles City and the City of San Fernando prohibiting smoking in public places. This will allow smokers to kill themselves “softly” (but surely) in the comfort of their homes.

10. Pampanga to have a comprehensive sports program for its young and promising athletes.

11. The City College of Angeles to operate this coming June.

12. A successful “Unity Run” at the SM Mall of Asia on January 22 which aims to generate P1-billion for the construction of more school buildings and computer laboratories nationwide.

13. To jail those who masterminded the cutting of trees along Mac Arthur Hi-way in the City of San Fernando. Emphasis to a MOKA loser.

14. Local government units and various groups to spearhead tree planting activities as often as possible.

15. To see Palparan in jail.

16. The national government to start building the NorthRail.

17. More local and international flights at the Clark International Airport.

18. A new owner and Chief Executive Officer of Philippine Airlines (replacing Lucio Tan).

19. Wage hike for provincial correspondents (newspapers/online journalists).

20. Aside from philStar.com, another partnership of punto.com.ph with a national television station.

21. Petition for nullity of marriage filed by a lady councilor to be granted so she can move on.

22. Good health and more blessings to our general manager, Atty. Gener Endona who celebrated his birthday last January 3.

23. I wish and hope that 2012 will not be the end of the world so that more politicians, cops, justices (especially in the Supreme Court) and lawyers would still have the time to repent for their sins and return to God’s fold.

ADVANCE WISH LIST FOR 2013

1. A new congressman in the 3rd District of Pampanga (replacing Dong Gonzales).

2. No more Lapids and Arroyos in Philippine politics.

3. Gibo in the senate.

4. A second term for a deserving Gov. Lilila “Nanay Baby” Pineda.

5. A second term for a deserving Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan.

6. A third term and to be Punto Central Luzon’s Man of the Year 2012 for a deserving Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin.

7. A new congressman in the 2nd District of Pampanga (replacing GMA).

8. A new mayor of Magalang town (replacing Romy Pecson).

9. A new mayor of Mexico town.

10. Marjorie Morales-Sambo to run for mayor again in Mabalacat.

11. Mayor Jerry Pelayo to seek a congressional seat and trounce incumbent congresswoman Ana York Bondoc.

12. For the lighter part, I wish that Angeles City Information Officer Archie Reyes to settle and get married.

For Lawyer Felipe Antonio Buscato Remollo, Clark’s corporate and physical transformation is beyond presenting blueprints and plans, but rather setting the right direction and bringing the right people into it.

Remollo, the 10th president and chief executive officer of Clark Development Corporation, has changed the bad image of the government-owned and controlled corporation from a mere “milking cow” of some greedy executives into a potential premier investment spot with a “unique, recognizable name”, and a promising sports tourism destination.

It was only under his leadership that Manila-based taipans like Andrew Tan of MegaWorld Corp., the Ayalas though Manila Water and the Gokongweis entered and showed interest to invest billions of pesos in various projects inside the Clark Freeport Zone.

Tan recently signed a memorandum of agreement with CDC executives for the construction of a P7-billion mixed-use complex for Business Process Outsourcing firms.

Ayala’s Manila Water now has full control of Clark Water and intends to acquire Mimosa Golf and Country Club.

One of Remollo’s flagship projects that also caught Ayala Land’s interest is the Clark Highlands Development Program.

It involves the clearing up and site development of more than 3,000 hectares of land for the establishment of technology parks and estates. He says “alternative schemes such as public-private partnership, joint ventures in the financing, implementation and management of these projects will be fully explored.”

In partnership with Canada-based CAE, Inc., Cebu Pacific Air’s $43-million aviation training center inside the Freeport Zone is also expected to operate within the third quarter of 2012.

“The taipans are here not just in plans. They’re actually here,” says Remollo whose seven-month old administration also generated 45 new projects, seven expansions and 65 renewals that translate into P4.94-billion investments.

Records from CDC showed that Clark Freeport now hosts P113.9-billion worth of investments, a significant jump from P39.7 billion in 2006. As of October 2011, firms in the Freeport have exported some $1.6-billion worth of products since last January 2011.

SPORTS TOURISM

Aside from bringing in more investors to the Freeport, Remollo also leaves the national government no choice but to develop and fully operate the Clark International Airport (CIA) as the country’s premier airport.

Keen on building a world class, well-maintained sports complex/facility, the former Dumaguete mayor sees sports tourism as a way to open the “gates” of Clark to the whole country and to the world – a venue for holding almost all sports events and competitions like baseball, softball, football, paintball, table tennis, taekwondo, athletics, golf, 4X4 challenge, duathlon, marathon, cycling, swimming and even boxing matches.

Recently, more than 20 local and international teams from Iran, Malaysia, and Brunei joined the 2nd Leg of the Paintball Asia League at Clark, which has been hosting the event since 2010. CDC also partnered with Selracho Management and Consultancy Services in holding the 1st Sports Tourism Summit at the Holiday Inn Clark.

Remollo says Clark STAR (Sports Tourism, Amusement and Recreation), another flagship project, will also cater to the needs of athletes especially members of the Philippine team.

“It’s the key to win the first Olympic gold medal for the Philippines,” says Remollo.

MORE INVESTMENTS

Under Remollo’s leadership, various firms in Clark vowed to invest more and expand their operations in the coming years.

Yokohama Tire Philippines, Inc. announced that it will infuse P14.62 billion to expand its manufacturing facility.

From 7 million tires a year, it will be able to produce 17 million tires by 2017, which means that it will need additional 3,000 workers for its operations.

Other companies who are expected to infuse additional investments for their expansion include SPT (PHIL.) Clark Corp. (precision tools), Jamco Philippines, Inc. (aircraft parts and equipment), AT Steel Co., Inc. (steel sheets/coils and structural steel products-beams, plates, channels, angels), Best Joint Group Venture (fusion restaurant), United Asia Automotive Group Inc. (Foton vehicles) and Ingasco, Inc. (air separation plant).

Governor Lilia “Baby” Pineda has also allotted an initial P5 million for the establishment of a “Pampanga Market-Market”. It aims to promote a specific product or service that is unique to each town of Pampanga.

With all the programs, projects and plans properly implemented, Remollo’s dream of making Clark Freeport Zone as the next Singapore six years from now would soon become a reality.

Sabotahe

Posted: December 8, 2011 in Uncategorized

Madaming mga Kapampangan ang nagtatanong kung talagang magiging isang lungsod na ang bayan ng Mabalacat.
Kamakailan ay inaprubahan na ng senado ang panukalang batas sa pangunguna ni Senador Bongbong Marcos. Malaki ang naitulong ni Congressman Carmelo “Tarzan” Lazatin sa pagsusulong ng Mabalacat cityhood bill. Good as approved na ito ika nga ng marami.

Walang duda na ito’y matutuloy dahil talagang dapat ng maging lungsod ito kumpara sa 16 na mga bayan na hindi naman kwalipikadong maging lungsod ay inaprubahang maging lungsod ng “flip-flopping” Supreme Court.
Dahil dito ay lalaki ang pondo ng Mabalacat dahil mabibigyan na ito ng Internal Revenue Allotment (IRA) galing sa pamahalaang nasyunal. Maraming mga programa at proyeto ang maisasagawa ng lokal na pamahalaan, ibig sabihin maraming mga Mabalakenyos ang makikinabang at magkaka-trabaho; posible rin na bumilis ang mga serbisyong pangkalusugan, pangedukasyon, pangpalakasan o sports, sa sektor ng pagnenegosyo, at marami pang iba.

Yan ay kung tunay na ipatutupad ang lahat ng mga programa ng may kahusayan at katapatan ng kasalukuyang alkalde ng Mabalacat na ilang taon ng nanunungkulan. Kung hindi naman, ito ay maituturing na mas malala pa sa electoral sabotage na inihain laban kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Isa itong sabotahe sa mga mamamayan, isang huwad na paglilingkod na ginagamitan lamang ng pakunwaring kabaitan upang makapangulimbat ng hindi nahahalata.

Komisyon (er)

Posted: December 6, 2011 in Uncategorized

Harapin na natin ang katotohanan na tayo’y marami pang kakaining bigas upang magka-gintong medalya sa Olympics o maging numero uno sa overall ranking sa South East Asian games.

Maraming problema ang kinakaharap ng mga atleta. Sa katunayan, halos hindi kayang ipagpamilya ang kakarampot, wala sa oras na buwanang sahod nila. Ito ay sa kabila ng kanilang pagsusumikap at pagpapakahirap sa pag-eensayo mabigyan lamang ng karangalan ang bansang Pilipinas.

Maliban dito, madami pang mga isyu tungkol sa kalagayan nila ang atin ng nalaman na. Isa na rito ang lugar na pinag-eensayuhan ng mga atleta kung saan hindi na angkop sa kanilang kalusugan dahil sa lebel ng polusyon na bumabalot sa kalakhang Maynila. Kagaya ng sigarilyo, ang usok ng iba’t ibang mga sasakyan (carbon monoxide) ay malakas na makapinsala sa ating mga baga at nakapagpapahina ng ating immune system.

qqq

Wala akong anomang laban sa mga basketbolista dahil sila’y kapwa atleta din. Alam ko na mahirap tanggapin na kahit ano pa ang gawin natin ay mahihirapan tayong manalo para salarangan ng basketball sa international na mga palaro lalo na sa Olympics. Oo at makakaya nga natin dahil alam nating bilog ang bola, pero ilang milyon o bilyon pa ang ating kailangang gastusin upang mapalakas ang koponan?

Ang ibang mga laro na may pag-asang manalo sa Olympics at sa iba pang internasyunal na palaro ay napapabayaan naman at hindi binibigyan ng pansin. Sa larong badminton, chess, taekwondo, lawn tennis, sepak takraw, swimming, bowling, boxing, baseball at table tennis, hindi gaanong kailangan ang taas o ang haba ng kamay (reach) upang manalo. Talas ng pag-iisip, bilis, kasanayan at galing ang siyang pangunahin sa mga larong ito na siya namang likas na taglay nating mga Pilipino.

Hindi rin naman tayo gugugol ng napakalaking halaga para sa mga larong ito kagaya ng paggugol sa basketball. Ang isang koponan sa table tennis ay nangangailangan lang ng apat na miyembro samantalang sa basketball ay 15 kaagad. Ganun din naman sa badminton na apat din ang kailangan.

Hindi ko sinasabi na pabayaan na ang basketball pero dapat na bigyang pansin ang mga laro kung saan tayo uusad, kung saan mayroon tayong malaking pagasa na manalo.

qqq

Sa aking pakikipagusap sa mga kaibigang atleta, isang bagay ang kanilang idinadaing – “kulang kami sa exposure sa ibang bansa”. Anila, kulang ang suportang ibinibigay ng pamahalaan sa kanila at hindi naman nila kayang tustusan ang lahat ng gastos upang makapag-ensayo at makapaglaro sa ibang bansa.

Naalala ko tuloy ang isang panayam sa dati kong hinahangaang atleta, isang manlalangoy – si Eric Buhain. Noong una ay nangunguna at namumuno siya sa pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga atleta. Subalit nang siya ay maupo na bilang komisyuner ng Philippine Sports Commission o PSC, tila ibang komisyon na ang kaniyang inatupag.

Mahahalata ito sa kaniyang mga sagot sa interview noon, mga ilang taon na ang lumipas. Aniya, hindi umano dapat gawing bread and butter ng mga atleta ang paglalaro o ang pagiging miyembro sa Philippine Team.

“Ano kamo?” ang aking biglang reaksyon sa kanyang pahayag habang pinapanood ko siya sa telebisyon. Lahat ng oras ng kanilang (mga atleta) buhay ay kanilang ginugol sa pag-eensayo at paglalaro pagkatapos ay hindi nila ito gagawing bread and butter? “Ikaw nga ba yan Mr. Buhain?” ang aking pasigaw na tanong habang nanonood sa aking pagkadismaya.

Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming mga atleta natin ang sumuko na at pinili na lamang na magtrabaho, mangibang bansa at magnegosyo kesa tuluyang magutom bilang mga premyadong manlalaro ng ating bansa.